Pinabibilis na ang pagkumpiska sa mga ari-arian ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, may umiiral nang batas kaugnay ng forfeiture ng assets ng mga iligal na POGO, ngunit napakabagal umano ng proseso nito.
Sinabi ni Bersamin na ang mga masasamsam na ari-arian tulad ng mga gusali ay magiging assets ng pamahalaan, ngunit sa ngayon ay hindi pa tiyak kung saan gagamitin ang mga ito.
Ituturing nang iligal ang lahat ng POGO na mag-ooperate pa rin sa pagtatapos ng deadline sa POGO ban na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News