Hindi dapat maging isyu ang hindi pagbibigay ng pamahalaan ng subsidiya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito, kay Tingog party-list Rep. Jude Acidre, ay dahil mayroong sapat na reserbang pondo ang PhilHealth, para tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, hindi lamang isa, kundi hanggang dalawang taon.
Sa press briefing, pinawi ni Acidre ang pangamba ng mga miyembro ng PhilHealth na baka hindi na sila makapag-avail ng packages.
Una nang tiniyak ng Department of Health sa publiko na tuloy ang mga serbisyo dahil sa kasalukuyan, ay mayroong ekstrang ₱150 billion ang PhilHealth mula sa kanilang 2024 budget kahit na hindi ito makatanggap ng subsidiya pagsapit ng 2025. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera