Tumaas sa ikalawang sunod na buwan ang remittances o perang ipinadala ng mga Pilipino na nasa ibang bansa, noong Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umakyat sa $3.079-B ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels noong ika-sampung buwan mula sa $3.009 billion noong Setyembre.
Mas mataas din ito ng 2.7% kumpara sa $2.998 billion na naitala noong October 2023.
Sinabi ng BSP na malaking bahagi ng cash remittances noong Oktubre ay mula sa United States, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera