dzme1530.ph

China, nabalot ng makapal na alikabok dahil sa sandstorm

Nabalot ng makapal na alikabok dahil sa sandstorm ang China na nagresulta sa air pollution sa lugar.

Ayon sa mga otoridad, umabot sa maximum level na 500 ang air quality index sa Beijing, na tumutukoy sa “severe pollution.”

Kaugnay nito, naglabas ng weather warnings ang China at nagbabala sa mga residente nito na iwasan munang lumabas ng kanilang bahay upang maiwasang malanghap ang polusyong dulot ng sandstorm.

Kabilang dito ang mga bata at may edad na mayroong respiratory allergies at iba pang kondisyon.

Samantala, ang dust storms ay karaniwang nangyayari sa Northern China sa panahon ng tagsibol o spring.

About The Author