dzme1530.ph

PBBM, iniutos na palakasin pa ang aksyon laban sa smuggling ng agri-products

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas pa ng aksyon laban sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura.

Ito ay kasunod ng pag-iinspeksyon ng Pangulo sa ₱178.5 million na halaga ng frozen mackerel o tulingan na nakumpiska sa Pantalan ng Maynila.

Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Bureau of Customs at Dep’t of Agriculture na pagtibayin pa ang pagpapatupad sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Sinabi naman ni Marcos na ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ang naging susi sa pagkakasabat sa shipment ng isda na walang kaukulang import clearance.

Ang mga isda ay ipinamigay sa mga residente ng Baseco sa Tondo, Maynila. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author