Nagsama-sama ang mga bigating artista sa idinaos na Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at iba pang opisyal.
Sa Konsyertong idinaos kagabi sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang, nanguna sa mga nagtanghal ang divine diva na si Ms. Zsa Zsa Padilla.
Nag-perform din ang world-class artists na sina Gian Magdangal, Dane Mercado, Molly Langley, Jon Joven, at Sindaw Philippines Performing Arts Guild.
Samantala, ipinakilala rin ang sampung pelikulang magtatagisan sa 2024 Metro Manila Film Festival, kasama ang ilang movie casts tulad nina Vice Ganda, Lorna Tolentino, Gladys Reyes, Ruru Madrid, Enrique Gil, Francine Diaz, Arjo Atayde, JC Santos, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Sid Lucero, at marami pang iba.
Dumalo rin si diamond star Maricel Soriano, Direk Jose Javier Reyes, Sylvia Sanchez, at Megastar Sharon Cuneta kasama ang asawang si former Sen. Kiko Pangilinan.
Ang konsyerto ay idinaos upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ng Pelikulang Pilipino sa Sining at Kultura, at sa pagpapaunlad ng ekonomiya at lipunan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News