dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos na pag-aralan ang pagpapagaan ng visa access sa American, Japanese, Australian, UK, at iba pang visa holders

Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-aralan ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council, sa pagpapagaan ng visa access sa AJACS at AJACSUK visa holders.

Ang AJACS ay tumitindig para sa American, Japanese, Australian, Canadian, at Schengen visa holders, habang ang AJACSUK ay American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore, o UK visa holders.

Sa pulong sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na nasa tuktok ng kanyang agenda ang rekomendasyon, at magiging madali na ang pagpapatupad nito dahil nagawa na ito sa maraming paliparan.

Samantala, nais din ni Marcos na masusing pag-aralan ang rekomendasyong magtatag ng digital identification system sa pamamagitan ng biometric data tulad ng facial recognition o fingerprint, para sa mabilis na transaksyon at travel processing tungo sa mas-angat na immigration experience.

Inaprubahan din ng Pangulo ang rekomendasyon sa paglulunsad ng “Shopping Festival Philippines” na isasabay sa bagong taon, sa harap na rin ng nakatakdang implementasyon ng batas na magbibigay ng VAT refund sa non-resident o mga dayuhang turista.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author