Isinusulong ng Dep’t of Justice ang zero tolerance policy sa sexual harassment sa workplace o sa trabaho.
Ayon kay DOJ Assistant Sec. Michelle Anne Lapuz, kabilang dito ang paghingi ng sekswal ng pabor kapalit ng promotion o magandang pag-trato sa trabaho.
Maituturing din umanong sexual harassment maging ang green jokes o bastos na biro na nagre-resulta para hindi maging komportable sa trabaho ang kababaihan.
Kaugnay dito, pinalakas ng DOJ ang kanilang One-Stop Shop Special Protection Office para sa mga biktima ng gender-based violence.
Itinatag din ang priority lanes sa DOJ Action Center para sa mga biktima ng Violence Against Women.
Samantala, babantayan naman ng Philippine Commission on Women ang pagpapatupad sa Magna Carta for Women, sa harap ng mga insidente ng sexual harassment sa workplace. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News