Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang 22 mula sa 58 flood control projects ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may budget na ₱510.58 million.
Ito ay dahil hindi pa rin nakukumpleto ang mga proyekto, sa kabila nang lagpas na ang mga ito sa original contract time, as of Dec. 31, 2023.
Ang mga delayed projects at programs ay bahagi ng Phase 1 ng Metro Manila Flood Management Project.
Sa annual audit report, sinabi ng COA na ang pagkaantala ay inuugnay sa mahinang estratehiya sa monitoring at pagpapatupad, na kadalasang nauuwi sa revisions ng target completion date. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera