Walang record sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang 405 mula sa 677 na mga pangalang tumanggap umano ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte Carpio.
Kinumpirma ni Manila Cong. Joel Chua, chairman ng Committee on Good Gov’t and Public Accountability na base ito sa sertipikasyon ng PSA na isinumite sa kanila.
Una nito, nagpasya ang komite na ipa-berepika sa PSA ang lahat ng pangalan na nakapirma sa acknowledgement receipts na isinumite ng OVP sa COA bilang beneficiaries ng kabuuhang ₱612.5-M confidential funds.
Ginawa ito ng Komite matapos unang sabihin ng PSA na wala silang nakitang record ni Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na kapwa nasa ARs ng OVP.
Alinsunod sa sertikasyon ng PSA, walang ano mang record ng birth certificate ang 405 na pangalan o ibig sabihin non-existence ang mga taong ito.
Para kay Chua, malinaw itong ‘abuse of public trust’ ng bise presidente. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News