dzme1530.ph

Mga sanggol ng convicted Pinay surrogate mothers sa Cambodia, planong ipaampon

Pina-planong ipaampon ang mga sanggol ng 13 pinay surrogate mothers na na-convict sa Cambodia.

Ayon kay Dep’t of Justice Usec. at Inter-Agency Council Against Trafficking in-charge Nicholas Felix Ty, ipinabatid na nila sa gobyerno ng Cambodia na ituturing pa ring mga Pinoy ang mga sanggol.

Ito ay dahil alinsunod umano sa batas ng Pilipinas, ang babaeng nagsilang sa bata ay ito ring may karapatan sa kanya.

Gayunman, hindi umano maaaring ipaubaya na lamang sa surrogate mothers ang pagpapalaki sa mga bata, lalo’t hindi rin naman nila ito kadugo at ginamit lamang sila upang dalhin ang mga ito sa kanilang sinapupunan.

Sinabi ni Ty na tinitingnan ang ibang alternatibo para sa kinabukasan ng mga bata, kabilang na ang pagpapaampon sa mga ito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author