Inihain na sa House of Representatives ang isa pang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Mahigit 70 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang nagsampa ng ikalawang impeachment case laban kay VP Sara, na tinanggap ng Office of the House Secretary General, alas-3:30 ng hapon, kahapon.
Ang complaint ay inendorso nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.
Sa kanilang impeachment complaint, inakusahan nila si Duterte ng betrayal of public trust dahil sa umano’y pag-abuso nito sa discretionary powers sa confidential funds, pagbalewala sa transparency and accountability, at pagpapabaya sa tungkulin bunsod ng sadyang pagtanggi nito na kilalanin ang congressional oversight sa budget deliberations. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera