dzme1530.ph

PBBM, naglabas ng kautusan para sa pagpapalakas ng CITEM

Naglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagpapalakas ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM).

Sa Executive Order no. 75, nakasaad na kailangang muling pag-aralan ang organizational structure ng CITEM upang maitaguyod ang tindig ng bansa bilang leading producer ng mga dekalidad na export products at services.

Kaugnay dito, iniutos ng Pangulo ang pag-reorganize o pagbalasa sa CITEM Governing Board.

Bubuuin ito ng kalihim ng DTI bilang chairperson, at magsisilbing mga miyembro ang mga kalihim ng DA, DFA, DILG, DOST, DOT, at mga pinuno ng GSIS, kinatawan mula sa Office of the President, at kinatawan mula sa pribadong sektor.

Nakasaad din na ipagpapatuloy ng CITEM ang pagsasagawa ng domestic at international trade fairs, selling missions, in-store promotions, at iba pang katulad na proyekto, aktibidad, at programa para sa pagpapakilala ng mga produktong Pilipino sa global market. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author