dzme1530.ph

PBBM, naglabas ng EO na magtatatag ng inter-agency committee on international humanitarian law

Naglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagtatatag ng inter-agency committee on international humanitarian law (IAC-IHL).

Sa Executive Order no. 77, nakasaad na ito ay alinsunod sa polisiya ng pamahalaan sa ilalim ng Saligang Batas, sa pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao kaakibat ng paggalang sa human rights.

Ang inter-agency body ay pangungunahan ng mga kalihim ng Dep’t of National Defense at Dep’t of Foreign Affairs bilang co-chairpersons, at magsisilbing mga miyembro ang DILG, DOJ, DSWD, DTI, DOH, AFP, PNP, NCIP, CHED, OPAPRU at Presidential Human Rights Committee Secretariat.

Ito ay aalalay sa mga kaukulang awtoridad sa pagpapatupad o pagpapalaganap ng public awareness kaugnay ng IHL, at bubuo rin ito ng mga aktibidad at programa kabilang na ang komemorasyon ng IHL Day tuwing Aug. 12.

Tututukan din nito ang pagsunod ng mga ahensya kaakibat ng pagre-report ng mga paglabag.

Ang international humanitarian law ay ang ligal na pamantayan para sa proteksyon ng mga indibidwal na hindi direkta o hindi na aktibong nakikibahagi sa mga digmaan at armadong pakikibaka. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author