Isa nang flagship o pangunahung programa ng gobyerno ang “Tara, Basa!” Tutoring Program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Sa Executive Order no. 76, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikipagtulungan ng DSWD sa Dep’t of Education, Commission on Higher Education, National Youth Commission, State Universities and Colleges, LGUs, at iba pang ahensya at stakeholders, para sa matagumpay na implementasyon at pagpapalawak ng programa.
Ipinatutukoy din sa DSWD ang mga eligible na benepisyaryo, pagbuo ng mga aktibidad para sa learning o pagkakatuto at development, pagtatatag ng database para sa progress report, at paglikha ng evaluation at monitoring frameworks.
Ang “Tara, Basa!” ay isang cash-for-work program kung saan nagsisilbing tutor ang mahihirap na College students, o mga magulang o guardians para sa mga mag-aaral sa elementarya na hirap sa pagbabasa, kapalit ng kaukulang kabayaran. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News