dzme1530.ph

Oktubre ng bawat taon, idineklarang “National Agriculture and Fisheries Extension Services Month”

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Oktubre ng bawat taon bilang “National Agriculture and Fisheries Extension Services Month”.

Sa proclamation no. 753, nakasaad na layunin ng okasyon na mapabilis ang AF Extension Services, kaakibat ng pagpapalaganap ng public awareness sa kapakinabangan nito.

Ang AF Extension Services ay may layuning palakasin ang productivity at competitiveness, at mai-angat ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Kaugnay dito, inatasan ang Agricultural Training Institute ng Dep’t of Agriculture, na pangunahan ang selebrasyon at tukuyin ang mga angkop na programa, aktibidad, at proyekto.

Inutusan din ang lahat ng national gov’t agencies kabilang ang GOCCs at State Universities and Colleges habang hinikayat ang mga LGU, NGOs, professional associations, at pribadong sektor na makiisa sa okasyon at magpaabot ng kaukulang suporta sa DA at ATI. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author