dzme1530.ph

Mga sundalo, pinaalalahanan ng AFP na huwag makinig sa ingay-politika

Pinayuhan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga sundalo na huwag magpa-apekto sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa politika na umiiral sa bansa.

Hinimok ni Brawner ang kanyang mga tauhan na ipagpatuloy ang pagiging professional at competent sa gitna ng ingay na dulot ng politika.

Ginawa ng AFP Chief ang pahayag, kasunod ng banta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez.

Ipinaalala rin ni Brawner ang sinumpaan nilang pangako nang pumasok sila sa militar, na ipagtatanggol ang konstitusyon, na ang ibig sabihin ay sumunod sila sa chain of command.

Tiniyak din ni Brawner na mananatiling tapat ang militar sa duly constituted authority, at hindi sa personalidad na may hawak ng posisyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author