dzme1530.ph

Alice Guo, no show sa huling pagdinig ng Senado kaugnay sa POGO ops

Hindi nakasipot sa sinasabing huling pagdinig kaugnay sa POGO operations si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o si Guo Hua Ping.

Sa kautusang ipinadala sa Senado ni Pasig City RTC Branch 167 Judge Annielyn Medes-Cabelis, ipinaliwanag na hindi madadala sa Senado si Alice Guo dahil kasabay ng pagdinig ang hearing sa Korte kaugnay sa kasong qualified trafficking.

Bukod kay Guo, hindi rin napadalo sa pagdinig sina Jamielyn Santos Cruz, Thelma Barrogo Laranan, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Evangelista at Rachelle Joan Malonzo Carreon.

Samantala, no show din sa pagdinig ang isa pang incorporators ng Lucky Shouth 99 na si Cassandra Li Ong dahil maysakit umano ito.

Present naman sa pagdinig ang iba pang POGO personalities gaya nina Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay at Tony Yang.

Sa kanyang opening statement, inilarawan ni Sen. Risa Hontiveros ang POGO operations bilang monster na naging ugat ng iba pang krimen tulad ng human trafficking, money laundering, kidnapping, at iba pa kabilang na rin ang pagpapakalat ng mga fake news. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author