dzme1530.ph

Panawagan para sa panibagong People Power Revolution, ‘di nakakatulong sa bansa

Nanawagan si Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na tigilan na ang panawagan na magsagawa ng panibagong pagtitipon sa EDSA.

Kaugnay na rin ito sa naging apela ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na suportahan si Vice President Sara Duterte at magtipon-tipon sa EDSA para ihayag ang pagtutol sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Iginiit ni Estrada na dapat tigilan na ang mga ganitong panawagan dahil magdudulot lamang ito ng pagkakahati-hati sa mga Pilipino.

Tama na aniya ang EDSA 1 at 2 noon at hindi na dapat dagdagan ng panibagong EDSA people power.

Hindi aniya ito ang kailangan ng bansa ngayon at maraming mas dapat na unahin na problema ang bansa na nangangailangang tugunan agad ng gobyerno.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author