Bumiyahe patungong United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 1-day working visit.
Ayon sa Presidential Communications Office, pasado alas-9 kagabi nang mag-takeoff ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo.
Kasama ng Pangulo sa biyahe si Former Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Benhur Abalos na may malapit umanong ugnayan sa UAE Royal Family.
Makakasama rin ni Marcos sa UAE sina Environment Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga para sa kasunduan laban sa pagtatapon ng plastic sa karagatan, National Commission for Culture and the Arts Chairman Victorino Manalo para sa paglagda sa Cooperation Agreement, at Foreign Affairs Usec. Charles Jose na sasamahan ang Pangulo sa pakikipagpulong kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.
Itinalaga naman sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Justice Sec. Boying Remulla, at DAR Sec. Conrado Estrella III bilang caretakers ng bansa habang nasa UAE ang Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News