dzme1530.ph

Taong kinausap ni VP Sara para patayin ang Pangulo, dapat matukoy ng mga awtoridad

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pangangailangang matukoy kung sino ang taong kinausap ni Vice President Sara Duterte na magsasagawa ng utos na patayin si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez

Sinabi ni Pimentel na ang ganitong pagbabanta sa buhay ng pinakamataas na opisyal ng pamahalaan at mga miyembro ng kanyang pamilya ay kailangang masusing maimbestigahan lalo na ng National Bureau of Investigation.

Una nang sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na iniimbestigahan na rin ng kanilang tanggapan ang naging pagbabanta ni VP Sara.

Isinalarawan ito ni Año bilang national security matter

Ipinaliwanag ng opisyal na lahat ng pagbabanta sa Pangulo ay itinuturing nila na seryoso kaya’t makikipagtulungan na sila sa mga law enforcement at intelligence communities’ para maimbestigahan ang naging banta ng bise presidente at matukoy ang posibleng perpetrator. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author