dzme1530.ph

5,000 hanggang 10,000 PDL nakatakdang palayain ng BuCor bago mag Pasko

Kinumpirma ni Bureau of Corrections Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr. na hindi bababa sa 5,000 hanggang 10,000 person deprived of Liberty (PDL) ang inaasahang palayain bago ang Pasko, kasunod ng pagsasapinal ng mga implementing rules and regulations para sa Good Conduct Time Allowance sa mga nahatulan ng heinous crimes.

Ang pahayag ni Catapang kasabay ng pagpapalaya ng kabuuang 500 PDL mula October kabilang ang 104 PDL ngayong araw November 25 sa Social Hall ng BuCor Administrative Building sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.

Ayon kay Catapang, sa kabuuang mga nakalaya, 347 ang nakapagsilbi ng kanilang maximum sentence, 110 ang abswelto, 21 ang nakatanggap ng probation, 20 ang nabigyan ng parole, 1 ang pinayagang magpiyansa, at isa pang indibidwal ang nakalaya sa pamamagitan ng Habeas Corpus.

Kabilang sa mga napalaya, ang 39 ang nagmula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, 9 mula sa CIW Mindanao, 53 sa Davao Prison and Penal Farm, 41 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 20 sa Leyte Regional prison, 135 sa Maximum Security Camp ng new Bilibid Prison (NBP), 69 sa Medium Security Camp ng NBP, 20 sa Minimum Security Camp ng NBP, 14 sa Reception and Diagnostic Center ng NBP, 44 sa Sablayan Prison at Penal Farm, at 56 mula sa San Ramon Prison and Penal farm. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author