dzme1530.ph

PBBM, hinikayat ang mga magsasaka at mangingisda na kumuha ng insurance sa PCIC para sa proteksyon ng kanilang kabuhayan laban sa mga sakuna

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda na mag-enroll sa insurance program ng Philippine Crop Insurance Corp., upang matiyak ang proteksyon ng kanilang kabuhayan laban sa mga sakuna.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng Certificates of Condonation at Certificates of Land Ownership sa Isabela, inihayag ng Pangulo na pinalawig ng Dep’t of Agriculture ang insurance sa mga pananim o kagamitan sa pangingisda, na napakahalaga lalo na sa mga rehiyong madalas tamaan ng bagyo o kalamidad.

Kamakailan din umano ay mabilis na naipamahagi ang halos ₱25-M halaga ng indemnity checks sa mahigit 1,400 benepisyaryo sa Mindoro.

Ito ay kaakibat umano ng hindi tumitigil na pagsusulong ng gobyerno sa modernisasyon at pag-adapt sa nagbabagong klima ng mga proseso at kagamitan sa agrikultura. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author