dzme1530.ph

Halaga ng piso, muling humina sa 59 is to 1-dollar level

Muling bumaba ang halaga ng piso kontra dolyar sa ikatlong sunod na trading day, kahapon.

Nagsara ito sa ₱59 is to 1-dollar level, kapantay ng pinakamalalang paghina ng local currency na naranasan, dalawang taon na ang nakalipas, sa gitna ng greenback rally.

Bumaba pa ng ₱0.09 ang local unit mula sa nagsarang palitan noong Miyerkules na ₱58.91 is to one dollar.

Bukod sa lumakas na halaga ng dolyar, may kinalaman din umano ang paghina ng piso sa geopolitical risks makaraang atakihin ng Ukraine ang Russia sa pamamagitan ng US-supplied missiles. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author