dzme1530.ph

PBBM, pinagtibay ang suporta ng Pilipinas para sa soberanya, kalayaan, at territorial integrity ng Ukraine

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suporta ng Pilipinas para sa soberanya, kalayaan, pagkakaisa, at territorial integrity ng Ukraine.

Ito ay kasabay ng ika-1000 araw mula nang magsimula ang digmaan ng Ukraine at Russia.

Ayon sa Pangulo, ang Ukraine ay isang pinahahalagahang partner ng bansa, at patuloy na tumatatag ang kanilang relasyon.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos sa komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa nasabing European country.

Mababatid na nagpulong sa Malacañang ang Pangulo at si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa pag-bisita nito sa bansa noong Hunyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author