dzme1530.ph

PBBM, nangakong muling bubuhayin ang abaca industry sa Catanduanes na pinadapa ng bagyong Pepito

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling bubuhayin ang industriya ng abaca sa Catanduanes na pinadapa ng bagyong Pepito.

Sa pag-bisita sa Catanduanes, inihayag ng Pangulo na ang pinsala sa agrikultura ang pinaka-malaking problema partikular ang pagkasira ng mga pananim na abaca.

Kaugnay dito, inaalam na umano ng Dep’t of Agriculture ang lawak ng pinsala sa local abaca industry upang matukoy ang mga kaukulang aksyon, at pag-aaralan na rin umano ang muling pagtatanim ng abaca.

Inatasan na rin ang DA at Dep’t of Labor and Employment na magpatupad ng cash-for-work program sa mga apektadong magsasaka. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author