dzme1530.ph

Grupong PISTON nagsagawa ng noise barrage sa Baclaran vs katiting na oil price rollback

Nagsagawa ng noise barrage ang grupong PİSTON sa Service Road ng Roxas Blvd. sa Baclaran lungsod ng Pasay.

Sigaw grupo na magkaroon ng matinong tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo kasunod ng ipinatupad na ₱0.75 hanggang ₱0.90 kada litro na rollback ngayong araw.

Ipinagdiinan ng mga tsuper ng jeep na kulang na kulang na nga ang kanilang kinikita, nababawasan pa sa grabeng taas-presyo sa petrolyo at hindi nararamdaman ang rollback.

Kinalampag ng PISTON ang gobyerno na ibasura ang excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ang value-added tax (VAT).

Pinabubuwag din ng grupong PISTON ang mga tinawag nilang kartel sa langis.

Ipinababasura rin ng grupo ang Oil Deregulation Law upang magkaroon ng papel ang estado sa presyuhan ng mga produktong petrolyo. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author