Iniurong ng House Quad Committee ang imbestigasyon sa madugong drug war sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na unang itinakda sa Nov. 21, araw ng Huwebes.
Ito, ayon kay Quadcomm Lead Chairman, Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, subalit hindi naman niya tinukoy ang dahilan ng postponement.
Sa hiwalay na press conference, inihayag naman ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, na pinag-uusapan pa ng House leaders ang petsa ng susunod na public hearing.
Matatandaan na unang inanunsyo ng quadcomm ang postponement ng Nov. 13 hearing sa gitna ng beripikasyon sa mga testimonya ng mga witness, subalit itinuloy rin ito upang i-accommodate ang presensya ng dating Pangulo na bumiyahe mula Davao City patungong Maynila para sa naturang pagdinig. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera