dzme1530.ph

Preemptive at forced evacuation, naging susi upang maiwasan ang mataas na casualty sa magkakasunod na bagyo —OCD

Naiwasan ang mataas na casualty sa pagtama ng magkakasunod na bagyo sa bansa, dahil sa ipinatupad na preemptive at forced evacuation.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary for Operations Cesar Idio, sa preemptive evacuation ay hinikayat ang mga nakatira sa risk areas na lumikas at pumunta sa mga ligtas na lugar.

Kung tatanggi umano silang lumikas, dito na papasok ang forced evacuation.

Sinabi naman ni idio na bagamat mahirap abutin ang zero casualty ay nagawa pa rin ng mabuti ang kanilang trabaho.

Mababatid na mangilan-ngilan lamang ang mga napaulat na nasaktan at nasawi sa pananalasa ng bagyong Marce, Nika, Ofel, at Pepito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author