dzme1530.ph

DOLE, hinimok na dalasan ang job fairs para sa mga POGO workers

Hiniling ng mga senador sa Department of Labor and Employment na dalasan ang mga job fair para sa mga Pinoy workers na nagmula sa mga POGO na magsasara hanggang December 31.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na dapat dalhin ang job fairs sa mga lugar kung saan nagsara ang mga POGO company.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na dapat isagawa ang job fairs sa mga probinsya at hindi sa Metro Manila upang sa hindi na gagastos pa ang mga manggagawa.

Iginiit ni Sen. Loren Legarda na dapat ding gawing virtual o online ang mga job fair.

Binigyang-diin din ng mambabatas na dapat makipag ugnayan din ang DOLE sa mga Public Employment Service Office ng mga lokal na pamahalaan dahil sila ang nakakaalam ng mga available na trabaho sa kanilang lugar.

Iginiit naman ng DOLE na isinasagawa ang job fair sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil narito ang karamihan sa mga POGO.

Sa ulat ng DOLE, mahigit 25,000 ang mga nagtatrabaho sa mga ligal na POGO na magsasara dahil sa POGO ban. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author