dzme1530.ph

Pagbubukas ng klase sa buwan ng Enero, pinakokonsidera

Binuhay ng isang kongresista ang isyu ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo dahil na rin sa magkakasunod na bagyo na nagresulta sa kanselasyon ng klase sa maraming lugar.

Ayon kay Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, mainam na pag-aralan ang climate-adoptive school calendar at school buildings na tutugma sa abnormal new climate pattern.

Punto ni Tutor, ang mga pagbaha at bagyo ay mas mapanira kapag nanggaling sa El Niño ang summer season.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, umabot na sa 35-school days ang nawala sa mga estudyante dahil sa magkakasunod na kanselasyon ng klase.

Pwede umanong gawing Enero hanggang mid-July ang in-person classes kabilang ang araw ng Sabado, subalit lilimitahan ang outdoor activities tuwing mid-March to mid-May.

Mas mabuti rin umanong magkaroon ng protective spillways at drainage ang mga eskwelahan gayung matindi na ang pag-ulan kapag July hanggang December.

Mainam din kung multi-story building ang mga paaralan at may elevated walkways upang kahit magkabaha sa groud level ay magpapatuloy pa rin ang klase o pasok. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author