Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe na tutugunan sa ipapasang 2025 national budget ang kakapusan sa calamity fund upang matiyak ang tulong sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo.
Sinabi ni Poe na sa ilalim ng kanilang committee report para sa panukalang 2025 national budget, may ₱21 billion na nakalaan para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Mataas ito ng ₱500 million kumpara sa kasalukuyang pondo.
Binigyang-diin ni Poe na tutugunan ng calamity fund hindi lamang ang mga agarang pangangailangan ng mamamayan kundi maging ang repair at rehabilitation needs ng mga apektadong lugar.
Sinuportahan din ni Poe ang pagdaragdag quick response fund sa Department of Social Welfare and Development.
Iginiit ni Poe na matindi ang hagupit ng sunod sunod na bagyo sa ilan nating kababayan kaya’t tinitiyak aniya nilang maayos nang mabuti ang budget. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News