Hinikayat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na palakasin ang kampanya kontra fake news.
Inimbitahan pa nito ang PCO na magsagawa ng seminar sa mga opisina ng Senado kaugnay sa pagsugpo ng fake news.
Ginawa ito ni Pimentel sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill ng ahensya.
Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng mga training para sa fact-checking, lalo na sa panahon ng mga sesyon ng Senado.
Umaasa si Pimentel na sa pamamagitan ng ganitong seminar ay magbibigay ng mahahalagang kaalaman mula sa PCO tungkol sa kinakailangang teknolohiya, kaalaman, at teknikal na kasanayan na kailangan upang epektibong masugpo ang fake news. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News