Posibleng i-reset ang filing ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections sakaling iurong ang halalan sa 2026, ayon sa Comelec.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kung magkakaroon ng batas para sa pagpapaliban ng halalan, ay uulitin ang paghahain ng COCs.
Maliban na lamang aniya, kung nakasaad mismo sa batas, na kung sino ang mga nakapaghain na ng kandidatura, ay sila pa rin ang mga kandidato kapag na-reset ang eleksyon.
Noong nakaraang linggo ay naghain ng panukalang batas si Senate President Francis “Chiz” Escudero na naglalayong iurong ang Bangsamoro elections sa May 2026 mula sa May 2025. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera