Hindi bababa sa 519 na silid-aralan ang sinira ng bagyong Marce, ayon sa Department of Health (DEPED) sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sinabi ni DEPED-Cordillera Public Affairs Unit Head Cyrille Gaye Miranda, na batay sa report, as of Nov. 12, 158 classrooms ang nagtamo ng major damage habang 361 ang bahagyang nasira.
Pinakamaraming classrooms na nakapagtala ng malaking pinsala ang lalawigan ng Abra na nasa 97 habang 192 naman ang nagtamo ng minor damage.
Nilinaw ni Miranda na hindi pa pinal ang pigura dahil may mga report pa aniya na patuloy na dumarating sa kanilang opisina. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera