dzme1530.ph

VP Sara, hindi dadalo sa hearing ng Kamara sa Miyerkules

Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na hindi siya sisipot sa hearing ng Kamara kaugnay sa paggamit ng confidential funds ng kanyang opisina, na itinakda sa Miyerkules, Nov. 20, kahit personal niyang tinanggap ang imbitasyon.

Katwiran ni VP Sara, nang dumalo siya sa unang hearing ay pinaupo lang naman siya, sa halip na sumagot sa tanong ng mga mambabatas.

Binigyang diin ng bise presidente na nasasayang ang kanyang oras kaya nagpaalam siya na kung maaari na siyang umalis, at pinayagan naman siya.

Inihayag ni Vice President Duterte na magpapadala na lamang siya ng sulat sa Kamara at magsusumite ng affidavit hinggil sa ginamit na confidential funds, dahil under oath din naman ang naturang dokumento.

Noong Miyerkules ay tinaggap ni VP Sara ang imbitasyon sa hearing nang walang pasabi itong magtungo sa pagdinig ng House Quad Committee sa drug war ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author