dzme1530.ph

5 unang istasyon ng LRT Cavite Extension, mag-ooperate na bukas

Magbubukas na ang limang unang istasyon ng LRT Line 1 Cavite Extension, bukas araw ng Sabado, Nov. 16.

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Biyernes ang Phase 1 ng LRT Line 1 Cavite Extension Project.

Ang limang bagong istasyon ay ang Redemptorist – Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station.

Inaasahang mapaiikli nito sa halos isang oras ang biyahe mula Quezon City hanggang Parañaque City at vice versa.

Nakikita ring makapaghahatid ito ng karagdagang 80,000 pasahero kada araw sa LRT, para sa layuning maibsan ang mabigat na traffic sa Metro Manila kaakibat ng benepisyo sa mga trabaho at sa ekonomiya.

Ang kabuuang Cavite Extension Project ay paaabutin hanggang sa Niog Station sa Bacoor Cavite. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author