Pinaghahanda na ang mga pantalan sa bansa sa inaasahang pananalasa ng bagyong Ofel.
Naglabas ng memorandum ang Philippine Ports Authority, na nag-atas sa lahat ng port managers na magsagawa ng pre-disaster risk assessment sa port infrastructure, facilities, at equipment.
Ito ay upang matukoy ang mga maaaring mapinsala, at mailatag ang preventive measures.
Ipina-activate na rin ang emergency response teams, pag-review ng evacuation plans, at pagpapatupad ng safety protocols sa safeguard personnel, port users, at assets.
Inutusan din ang port heads na makipagtulungan sa Philippine Coast Guard, Local Disaster Risk Reduction and Management offices, at iba pang ahensya, at panatilihin ang communication lines sa PPA Operations Center para sa situational reports at pagtanggap ng mga kaukulan pang utos.
Inaasahang maapektuhan ng bagyong Ofel ang eastern seaboards ng Luzon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News