dzme1530.ph

200 high-value detainees sa Bilibid na hinihinalang dawit sa pagpapakalat ng iligal na droga, ililipat sa maximum-security facility

Ililipat sa maximum-security facility ang nasa 200 high-value detainees sa New Bilibid Prison na hinihinalang dawit sa pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Jonvic Remulla na lumalabas na ang Bilibid pa rin ang nangungunang source o pinagmumulan ng kalakalan ng iligal na droga.

Sinabi pa ni Remulla na ang nasabing 200 high-value detainees ay nakakasagap pa rin ng komunikasyon at intelligence, at sistematiko na umano ang problema kaya’t hindi ito mawakasan kahit ginawa na ang lahat ng paghihigpit.

Kaugnay dito, iginiit ng DILG chief na hindi ang pagpapalit ng mga tao sa Bilibid ang sagot, kundi ang pagpapalit ng lokasyon ng high-value prisoners.

Gagamitan umano ng teknolohiya ang maximum-security facility upang maputol ang kanilang komunikasyon sa labas, at ito na umano ang magiging most secured o pinaka-bantay saradong bilangguan sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author