dzme1530.ph

Former PCSO GM Royina Garma, inaasahang iba-biyahe na pabalik ng bansa ngayong araw matapos harangin sa America

Inaasahang iba-biyahe na pabalik ng Pilipinas ngayong araw si former PCSO General Manager at former Police Officer Royina Garma, matapos itong harangin sa America.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Jonvic Remulla na nakikipag-uganayan na ang Bureau of Immigration sa US Immigration and Naturalization Service para sa pagpapa-deport kay Garma.

Pagdating nito sa bansa ay ibabalik ito sa kustodiya ng Kamara kung saan tumatayo itong testigo sa imbestigasyon kaugnay ng war on drugs.

Nilinaw naman ni Remulla na wala pang kinahaharap na kaso si Garma, at wala rin itong hold departure order kaya’t nakalabas ito ng bansa kasama ang kanyang anak.

Gayunman, kinansela umano ang kanyang VISA kaya’t idinetain ito ng US Immigration. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author