Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang magbabago sa relasyon ng Pilipinas at America, sa nakatakdang pagbabalik ni Donald Trump bilang US President.
Sa ambush interview sa Parañaque City, inihayag ng Pangulo na ang Estados Unidos ang pinaka-matagal nang treaty partner ng Pilipinas.
Kaugnay dito, kampante si Marcos na walang magiging major change sa ugnayan ng dalawang bansa.
Mababatid na una nang nagpaabot ng pagbati ang Pangulo sa pagka-panalo ni Trump kaakibat ng pananabik sa patuloy na kolaborasyon sa bagong liderato para sa ikabubuti ng Pilipinas at USA. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News