dzme1530.ph

PBBM, nakipagpulong sa DILG, DOJ, PDEA, at PNP para sa pagpapaigting ng kolaborasyon sa paglaban sa iligal na droga

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Dep’t of the Interior and Local Gov’t, Dep’t of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine National Police.

Ito ay upang paigtingin ang kolaborasyon ng PNP, PDEA, at NBI, sa paglaban sa iligal na droga.

Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay sina DOJ Sec. Boying Remulla, DILG Sec. Jonvic Remulla, PNP Chief Police Gen. Rommel Marbil, at PDEA Dir. Gen. Moro Virgilio Lazo.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang detalye ng napagpulungan.

Gayunman, sa kanyang Ikatlong State of the Nation Address noong Hulyo ay tiniyak ng Pangulo ang pagpapatuloy ng “bloodless” campaign laban sa droga. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author