Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang loopholes sa Executive Order no. 74 na tuluyang nag-ban o nagbawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ay matapos sabihin ni Sen. Risa Hontiveros na sa ilalim ng EO ay posibleng makapag-operate pa rin ang mga POGO sa loob ng mga casino at freeport zones, dahil hindi malinaw na sinabi sa kautusan na saklaw nito ang lahat ng establisimiyentong wala sa supervision ng PAGCOR.
Sa ambush interview sa Parañaque City, iginiit ng Pangulo na hindi pa rin makakapag-operate ang mga POGO sa mga establisimiyentong nasa ilalim ng PAGCOR, o ng Philippine Economic Zone Authority.
Iginiit ni Marcos na basta sinabing POGO at kung POGO ang lisensya nito, bawal o banned na ito.
Hindi na rin umano kina-kailangan pa ng bukod na batas para sa POGO ban dahil sapat na ang inilabas niyang EO. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News