Sinaksihan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglagda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa bagong batas, ang Maritime Zones Act, at ang Philippine Archipelagic Sea lanes Law.
Ang bagong batas na ito ayon kay Romualdez ang magpapalakas sa “Sovereign Rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at magpo-protekta sa karapatan ng mga Pilipino na i-exploit ang lamang dagat sa mga inaangking katubigan.
Para sa pres’l cousin, ang pagprotekta sa pinag-aagawang karagatan sa loob ng 200-mile special economic zone ay hindi lang national pride kundi pagsiguro din sa economic at food security.
Hindi na aniya nakakapagtaka kung bakit interesado ang China na tinawag nitong “frenemy” dahil ayon sa survey at pag-aaral, sagana ang WPS sa marine life, oil at gas resources.
Dagdag pa ni Romualdez, historic ang pagsasabatas ng Maritime Zone Act at Phil Archipelagic Sea Lanes Law dahil ipinapakita ng Pilipinas sa international community na pinalalakas ng bansa ang posisyon sa ilalim ng International law, pinangangalagaan ang natural resources at higit sa lahat pinalalakas ang seguridad sa WPS. —sa panulat ni Ed Sarto