dzme1530.ph

PBBM, nilagdaan ang 2 batas na magpapalakas sa seguridad at karapatan ng Pilipinas sa sariling karagatan

Isinabatas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dalawang panukalang magpapalakas sa seguridad at karapatan ng Pilipinas sa karagatang sakop ng ating teritoryo.

Sa seremonya sa Malacañang ngayong umaga, nilagdaan ng Pangulo ang Philippine Maritime Zones Act para sa pag-maximize o pagtitiyak sa karapatan ng bansa sa maritime areas at resources, alinsunod sa Saligang Batas at sa International Law partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Pinirmahan din ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na magtatatag ng archipelagic sea lanes sa ating katubigan.

Layunin nitong maiwasan ang anumang arbitraryo o hindi makatwirang pagdaan ng sasakyang pandagat ng mga banyaga sa Philippine Archipelago.

Ang ceremonial signing ay sinaksihan nina Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, National Security Adviser Eduardo Año, Presidential Adviser on Maritime Affairs Andres Centino, Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Executive Sec. Lucas bersamin, at iba pang opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author