dzme1530.ph

PBBM, nangakong bubuhusan ng pondo ang modernisasyon ng PH Marine Corps

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bubuhusan ng pondo ang modernisasyon, pag-upgrade sa mga pasilidad, at pagpapaigting sa operasyon ng Philippine Marine Corps.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-74 na anibersaryo ng PH Marine Corps sa PICC sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na batid ng gobyerno ang lumalaking mga hamon sa kanilang tungkuling ipagtanggol ang mga isla, baybayin, at mamamayan.

Kaugnay dito, nananatili umanong committed ang gobyerno sa pagtatatag ng mas malakas at mas komprehensibong tindig sa depensa.

Pinuri rin ng Pangulo ang mga kontribusyon ng Naval Infantry force sa pag-protekta sa kapayapaan at soberanya, paglaban sa insurgency, pagpapahupa ng mga sigalot, at pag-responde sa mga sakuna at kalamidad.

Hinikayat ni Marcos ang mga miyembro ng Marine Corps na ipagpatuloy ang dedikasyon at husay, at ipasa ito sa susunod sa henerasyon upang mapatibay ang mga komunidad, tungo sa mas masaganang hinaharap para sa lahat. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author