dzme1530.ph

COA, inatasan ang PhilHealth na ibalik ang ₱6.35M na cash birthday gift na ibinigay sa kanilang mga empleyado

Ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ibalik ang ₱6.35M na halaga ng pondo na ipinamahagi sa kanilang mga empleyado bilang “cash birthday gift” simula noong 2014 dahil sa unjust enrichment.

Tumanggap ang mga opisyal at mahigit 600 empleyado ng PhilHealth ng ₱5,000 na cash bilang birthday gifts simula April 2010 hanggang April 2013 dahil sa Collective Negotiation Agreement sa pagitan ng pamunuan ng state health insurer at employees union.

Pinalawig umano ang kasunduan hanggang 2016 at itinaas ang cash gift sa ₱10,000, na naging dahilan para mag-isyu ng notice of disallowance ang COA.

Ayon sa COA, ang cash birthday gift ay hindi kasama sa listahan ng exempted allowances sa ilalim ng Salary Standardization Law at maituturing na double compensation. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author