dzme1530.ph

EBET Framework Act na tutugon sa job-skills mismatch, underemployment, at unemployment, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act, na tutugon sa problema sa job-skills mismatch, underemployment, at unemployment sa bansa.

Sa Ceremonial signing sa Malacañang ngayong umaga, pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act no. 12063.

Sa ilalim nito, isusulong ang pagtutulungan ng gobyerno, stakeholders, at pribadong sektor sa technical-vocational education at enterprise-based training programs.

Itataas din ang tax incentives para sa mga negosyong mag-aalok ng General EBET On-the-Job Trainings, Apprenticeships, at Upskilling.

Ito ay tungo sa paglikha ng resilient at globally competitive na Filipino workforce na kayang sumabay sa nagbabagong labor market.

Ang Ceremonial signing ay sinaksihan nina Senate President Francis Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Executive Sec. Lucas Bersamin, at iba pang opisyal at mambabatas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author