dzme1530.ph

Travel expenses ng OVP, tumaas ngayong taon

Nasilip na rin ng mga kongresista ang biglaang pagtaas sa “travel expenses” ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pagdinig ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability, kinuwestyon ni Nueva Ecija Congw. Mika Suansing ang travel expenses ni VP Sara Duterte.

Sa record na nakuha ni Suansing, ang pinagsamang travel expenses ni VP Sara sa kanyang local at foreign trips sa buong 2023 ay ₱59.5-M, at ngayong 2024 ay umakyat pa lalo sa ₱62.5-M.

Puna pa ni Suansing, masyadong malayo ang 2023 at 2024 travel expenses ng OVP kumpara noong 2022 na ₱20.1 million, at noong 2021 na ₱10 million lamang.

Paliwanag naman ni Fahad Bin Abdulmalik Tomawis ng Commission on Audit (COA), ang pagtaas ng travel expenses ay bunsod ng expansion ng satellite offices at disaster operations ng OVP.

Gayunman, wala umano silang ipinakitang breakdown ng mga pinagkagastusan. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author