Nagbabala ang isang environmental group laban sa potensyal na dalang panganib sa kalusugan ng ilang pang-dekorasyon sa Pasko.
Ipinaalala ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na hindi lahat ng Christmas decorations ay pare-pareho ang pagkakagawa.
55 na iba’t ibang palamuti sa Pasko na binili sa mga tindahan sa Binondo at Tondo sa Maynila, Monumento sa Caloocan, at Cubao sa Quezon City, ang isinailalim ng grupo sa assessment upang matukoy ang kanilang safety levels.
Dito nadiskubre ang naka-a-alarmang levels ng metal, gaya ng cadmium, lead, at bromine, pati na ang presensya ng microplastics, na ayon sa grupo ay may hatid na panganib sa kalusugan, maging sa kapaligiran.
Kaugnay nito, hinimok ng EcoWaste ang publiko na gumamit ng environmental friendly alternatives, gaya ng mga parol na gawa sa papel, kawayan, at plant-based materials. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera